Isang tribal leader sa Butuan City ang arestado matapos makuhanan ng iligal na armas at mga bala, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Lunes.
Sa bisa ng search warrant, ginalugad ng mga otoridad ang bahay ng isang pinuno ng Manobo-Lapaknon Tribe na kinilalang si Reynante Asastona o "Supremo."
Depensa ni Asaytona, hindi sa kaniya ang nakumpiskang baril at mga bala. Iniwan lang daw sa bahay niya ang toolbox kung saan natagpuan ang mga ito. —KBK, GMA News