Isang uri ng balyena ang napadpad na patay na sa baybayin ng Barangay Campo, Padre Burgos, Quezon pasado alas-sais ng umaga nitong Biyernes.
Nakita ng mga residente ang patay na balyena malapit sa fish port ng bayan.
Agad na nagtungo sa lugar ang mga kinatawan ng LGU at Bureau of Fisheries and Aguatic Resources (BFAR) upang masuri ang balyena.
May haba itong 4.3 metro at bigat na aabot sa 600 kilos.
Ayon sa mga eksperto, ito ang kauna-unahang stranded marine mammal ngayong 2021. Dagdag pa nila, ito raw ay isang Blainville's beaked whale.
Inakala umano ng mga residente sa lugar na ito ay isang dolphin.
Dahil sa laki at bigat nito ay gumamit pa ng heavy equipment upang maiahon sa dagat ang isda at mailagay sa isang truck.
Kumuha ng sample tissue mula sa balyena ang mga eksperto upang pag-aralan ito.
Pasado alas-dose na ng tanghali natapos ang paglibing sa balyena.
—LBG, GMA News