Magdamag na bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin sa southern Quezon.
Pasado 2 a.m. nang Huwebes nang umapaw ang ilog sa Barangay Sta. Cecilia sa Tagkawayan, Quezon kung kaya't binaha ang ilang bahagi ng lugar. Ilang bahay ang pinasok ng tubig-baha.
Nagkaroon din ng pagbaha sa ilang lugar sa bayan ng Lopez.
Sa Maharlika Highway sa Gumaca, nagkaroon naman ng pagguho ng lupa at bato na agad namang nalinis ng lokal na pamahalaan.
Kanselado ang biyahe ang mga pampasaherong bangka patungo sa mga isla ng Alabat at Polillio. May mga pasaherong stranded ngayon sa Atimonan Port at Real Port.
Nagpatuloy ang sama ng panahon hanggang Huwebes nang umaga. --Peewee Bacuño/KBK, GMA News