Arestado ang isang vlogger sa Cebu dahil sa pambubugaw umano sa isang menor de edad, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Lunes.

Naaresto ang vlogger sa entrapment operation matapos umanong mag-recruit ng isang 17-anyos na lalaki para gumawa ng malalaswang larawan at video.

Isang operatiba ang nagpanggap na bibili ng mga video at kukuha ng "extra service" mula sa menor de edad na biktima, na hawak na ngayon ng Department of Social Welfare and Development.

Nakuha sa suspek ang marked money, ID, passport at cellphone.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Expanded Trafficking in Person Act. —KBK, GMA News