Isang asong na-trap sa isang kanal ang nasagip ng mga bumbero sa Glan, Sarangani, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Pumasok ang mga bumbero sa kanal para buhatin ang aso.

Bago nito, tinangkang kunin ng isang residente ang aso pero natakot siya dahil tahol daw ito nang tahol na tila mangangagat.

Naibalik na sa may-ari ang aso. --KBK, GMA News