Lumiwanag ang paligid ng government complex ng bayan ng Sariaya, Quezon nang buksan noong Miyerkules ng gabi ang makukulay na pailaw ng Kapaskuhan sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

Dahil sa pinaiiral na health protocols dulot ng pandemya ay hindi na nagsagawa ng programa.

Text and photos by Peewee Bacuño
Text and photos by Peewee Bacuño

 

Tampok at kinagigiliwan ng lahat ang tunnel of lights sa harapan ng gusali ng LGU. Mayroon ring giant Christmas tree na may taas na 15 talampakan.

 

Hindi rin mawawala ang life size Belen o Nativity na yari sa recycled papers.

Ang mga residente, nag enjoy sa pagpapapicture sa Cinderalla’s Carriage na pinuno ng ilaw. Ang mga bata, halos ayaw ng umalis dito.


Layunin ng LGU na maghatid ng saya ngayong panahon ng pandemya. Tiniyak ng LGU na nasusunod ng health protocol sa pamamasyal dito. Magtatagal ang mga dekorasyon hanggang January.

Wala raw ginastos ang LGU sa mga ilaw na ginamit. Lahat raw ng pailaw ay ginamit narin noong mga nakaraang pasko. —LBG, GMA News