Ilang lugar sa bayan ng Lopez sa lalawigan ng Quezon ay abot hanggang leeg na ang lalim ng baha na dala ng bagyong Ulysses nitong Miyerkules ng umaga.

Inilikas na ang ilang pektadong residente at ngayon ay nasa evacuation center na sila.

Malakas na ulan na may kasamang hangin ang nararanasan ngayon sa southern Quezon.

Photos by Peewee Bacuño
Photos by Peewee Bacuño

Pahayag ni barangay kagawad  Resty Rolda ng  Barangau Gomez, ang baha sa kanilang lugar ay dala pa ng mga nagdaang bagyo.

Pinangangambahang tataas pa ang tubig laluna't nagpapatuloy pa ang malakas na ulan.

Mababa raw talaga ang lugar ng bayan ng Lopez kung kaya’t mabilis bumaha kahit kaunting ulan lang.

Gamit ang airbed, tumawid sa baha ang ilang mga bata sa Barangay Rizal.

 

—LBG, GMA News