Boracay Island, Aklan - Pinaghahandaan na sa ngayon ng ilang mga diving schools sa isla ng Boracay na gawin ang karagatan ng karatig lalawigan ng Antique na panibagong diving destination dahil sa kakaibang Corallimorphs o Mushroom Anemones na nakita sa lugar.
Sa Libertad, Antique nadiskubre ng mga divers ang kakaibang yamang dagat na ito . Isa daw itong uri ng yamang dagat na bibihira lamang makita sa ibang karagatan.
Maliban sa Mushroom Anemones, nadiskubre din ang isang Giant Moray Eel na isa ring attraction sa dagat.
Sa kasalukuyan, nakikipag ugnayan na ang mga divers na base sa Boracay sa lokal na pamahalaan ng Libertad para mapangalagaan ang likas na yamang dagat ng Antique at maging isa itong diving attraction sa bansa. -- BAP, GMA News