BORACAY Island —Kinagigiliwan online ang litrato ng isang uri ng sea coral na mistulang replica ng cherry blossom tree.

Kuha ang nasabing litrato ng isang South Korean na matagal nang naninirahan sa isla.

Ayon sa nag-upload ng litrato, ito ay isang uri ng seafan coral o kilala rin sa tawag na Gorgonian Coral.

Ayon sa nag-upload ng photo, nakuhanan niya ang litrato mga 29 metro ang lalim malapit sa  shipwreck sa Camia 2 . 

Kinuhanan daw niya ng litrato ang nasabing coral dahil sa kakaiba nitong kulay na mistulang isang cherry blossom tree.

Ang shipwreck sa Camia ay isang diving destination sa isla ng Boracay. —LBG, GMA News