Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang 25 na nagtitinda sa isang palengke sa Bacolod City.
Sa ulat ni Bam Alegre sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing natukoy ang mga pasyente matapos sumailalim sa swab test ang mahigit 1,000 na mga tindero at tindera ng tatlong malalaking palengke sa lungsod.
Dinala na sa isolation facility ang mga nagpositibong market vendor, samantalang bibigyan naman ng ayuda ang kanilang mga pamilya.
Balik-trabaho naman ang mga nagnegatibo sa virus.
Samantala, isinara sa publiko ang Hall of Justice at Provincial Jail sa Negros Oriental matapos magkaroon ng contact ang isang abogadong positibo sa COVID-19 sa mga kapwa niya abogado at ilan pang Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Isinailalim na sa disinfection ang mga tanggapan. --Jamil Santos/FRJ, GMA News