Naglalagablab sa kasalukuyan ang isang sunog sa Sacred Heart College sa Lucena City, Quezon.
Iniulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Lucena, na nagsimula ang apoy dakong alas-otso ng umanga.
Tinamaan ng apoy ang gusali ng Nursing Department, kasama ang mga laboratoryo dito.
Nasa lugar na ang limang firetrucks ng Bureau of Fire Protection (BFP) at nagtutulong-tulong maapula ang apoy.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.
Pahayag ng ilang nakasaksi, nagsimula umano ang sunog matapos tumama ang kidlat sa isang bahagi ng gusali.
Inaalam pa ng BFP kung posibleng mangyari ito.
Una nang nasunog ang malaking bahagi ng kolehiyo noong January 2019 kung saan ay hindi pa man lang nakakabangon ang paaralan. —LBG, GMA News