Nagkagulo ang mga tao sa labas ng tanggapan ng  Lapu-Lapu City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Cebu nang makawala sa sako ang isang nahuling sawa na mahigit 15 talampakan ang haba.

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Bistak" nitong Lunes, napag-alaman na nahuli ang sawa matapos umanong kainin ang isang tuta sa barangay Marigondon at dinala sa CENRO.

Pero nang sinusukat na ang haba at timbang ng sawa na may bigat na 25 kilo, doon na ito nakawala.

Pagkaraan ng 20 minutong pagsiksik sa mga halaman at mga gamit sa lugar, muli namang nahuli ang sawa.

Ito na raw ang ikawalong sawa na nahuli sa Lapu-lapu. --FRJ, GMA News