Limang magkakamag-anak ang umano'y nalason ng itlog na maalat na binili nila sa kanilang kapit-bahay sa lalawigan ng Pangasinan.
Iniulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules na nangyari ang umano'y food poisoning sa bayan ng Aguilar.
Isinalaysay ng mga biktima na binili nila ang mga itlog na maalat sa kanilang kapitbahay at kinabukasan na nila kinain .
Matapos umano nilang kainin, nakaramdam na sila ng pagsusuka at pagdurumi.
Ayon sa ulat, itinanggi ng nagtinda ng itlog na nalason ang mag-anak dahil sa itlog na maalat dahil kinain pa raw nila ang natirang paninida, pero hindi naman daw sila nalason.
Napag-alaman din mula sa isa sa mga umano'y biktima na kumain din sila ng tinola tnola ng panis na.
Sinabi naman ng Provincila Health Office na kung itlog na maalat man ang sanhi ng food poisoning, maaari raw na napasukan ito ng salmonella bacteria. —LBG, GMA News