Naputulan ng braso ang isang lalaking tiga Ligao City sa Albay matapos itong higupin ng thresher machine o makinang ginagamit sa paggiling ng mais.
Ayon sa ulat ni Mark Salazar sa “24 Oras” nitong Huwebes, sinabing naggigiling ng mais ang biktima nang aksidente niyang maipasok ang kaniyang kamay sa makina hanggang tuluyang kainin ito.
Kahit na mabilis naman daw napatay ng mga kasamahan ng lalaki ang makina, tuluyan pa ring naipit ang braso ng biktima.
Sa kasalukuyan, nagpapagaling sa ospital ang biktima sa ospital.-- Ma. Angelica Garcia/FRJ, GMA News