Apat na presong may iba't ibang kaso ang pumuga sa Masbate Sub-Provincial Jail, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.
May mga kasong panggagahasa, pagnanakaw at pagpatay ang mga pugante.
Batay sa imbestigasyon, pinutol ng apat ang ilalim ng rehas para tumakas. Natuklasang nawawala sila nang mag-head count ang mga jail guard.
Nananawagan ang provincial jail warden ng Masbate sa publiko na mag-ingat at magsumbong sa kanila kung may malalaman sa mga pumugang preso. --KBK, GMA News