BORACAY ISLAND, Malay Aklan - Pinayagan na ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Malay, Aklan ang mga residente ng Boracay na maligo sa beach.
Ito ay matapos isailalim ang isla ng Boracay sa modified general community quarantine (MGCQ) nitong Lunes.
Bago maligo ang mga residente, kinakailangan muna nilang mag-rehistro sa lifeguard.
Ang listahan ay magiging basehan kung kailangang gawin ang contact tracing sakaling magkaroon ng kaso ng COVID-19 sa Boracay. Kasalukuyang COVID-19-free ang isla.
Hinikayat din ang mga maliligo na mag-social distancing.
Ayon naman sa isang residenteng tumanging magpakilala, masaya siyang muling makaligo sa Boracay matapos ang mahigit dalawang buwan na lockdown. —KG, GMA News