Inaresto ng mga awtoridad ang isang beauty queen sa Cebu at ang kaniyang nobyong dayuhan matapos mahuling naliligo sa dagat at nag-iinuman pa umano sa gitna ng enhanced community quarantine sa lalawigan.

Ayon sa ulat sa GMA News’ “24 Oras” nitong Lines, sinabing batay sa imbestigasyon ng pulisya, papunta raw sana sa bayan ng Alegria ang dalawang magkasintahan para mangolekta ng donasyon.

Ngunit sa halip na dumiretso sa Alegria, nag-side trip umano ang dalawa sa dagat sa Moalboal at doon na nadatnan ng pulisya na nag-iinuman at naliligo sa dagat.

Inilagay ang dalawa sa crisis holding center na hiwalay sa selda ng ibang mga mga preso.

Mahaharap sila sa reklamong resistance and disobedience to a person in authority.--Ma. Angelica Garcia /FRJ, GMA News