Nakaranas ng pag-ulan ng yelo ang mga residente ng Mankayan, Benguet, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Sumabay daw sa malakas na buhos ng ulan ang mga yelo, na aabot ng 1 1/2 pulgada ang diameter.

Dismayado raw ang mga magsasaka dahil sa pinsalang maaaring idulot ng mga yelo sa kanilang pananim. --KBK, GMA News