Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng riding in tandem ang kaniyang SUV sa Baliuag, Bulacan.
Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Biyernes, makikita sa kuha ng CCTV na habang tumatakbo ang SUV na minamaneho ng biktimang si Leonardo Ibiem ay dinikitan siya ng riding in tandem.
Maya-maya lang, pinagbabaril na ng nakaangkas sa motorsiklo ang nasa SUV.
Napahinto naman ang SUV at muling umandar hanggang sa bumangga sa isa pang SUV.
Kaagad na nasawi si Ibiem, habang nakaligtas umano ang kasama nitong babae sa sasakyan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga nakatakas na mga salarin.--FRJ, GMA News