Pitong magkaka-anak sa Dagupan City, Pangasinan ang kinagat ng kanilang aso na may rabies pala, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.
Ayon sa isa sa kanila, Pebrero pa nang makagat sila ng aso pero binale-wala lang nila ito.
Hanggang sa mapansin nila na nag-iba ang ugali ng aso, nanghina at namatay kalaunan.
Doon lang nila nalaman na may rabies pala ang aso.
Kaya naman nagpa-bakuna ng anti-rabies ang pamilya at ligtas naman silang lahat sa ngayon.
Nagbabala ang awtoridad na mag-ingat sa panganib ng rabies. —KBK, GMA News