Naapula na ang sunog sa ekta-ektaryang gubat sa Kabayan, Benguet ngunit hindi pa rin natukoy ang ang sanhi ng forest fire na tumagal din ng isang linggo.
Sa ulat ni John Consulta nitong Huwebes ng Umaga, sinabing pahirapan ang pag-apula ng apoy dail sa kakulangan ng tubig at patpat lamang ang gamit ng mga bumbero laban sa apoy.
Umabot din umano sa isang linggo apoy sa kabundkan ng Banayanan, at naminsala ng ekta-ektaryang pine tree forest at iba pang mga puno.
Ayon sa ulat, malapit na malapit na sa mga kabahayan sa tatlong apektadong mga barangay ang apoy bago ito maapula.
Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Benguet, imbes na hose ng tubig, patpat ang gamit ng mga bumbero para apulain ang paggapang ng apoy.
Nahirapan umano ang BFP para apulain ang kumakalat na bush at forest fire sa bahaging ito ng Barangay Kabayang, ayon sa ulat.
Pero ang pinakamahirap ay yung terrain. “Talagang ang main ano namin rito, yung terrain ang hirap akyatin, tapos walang source ng tubig,” pahayag ni Senior Fire Marshal Hilario Caniedo ng Kabayan.
Dagdag niya, naglilinis kami ng fire lane more or less 6 feet tapos magsusunog kami sa kabila kung saan nanggaling ang sunog para magkasalubong sila.”
Noong 2016, nagkasunog din umano sa lugar, ngunit hindi kasinglawak ng kasalukuyang forest fire.
“Malaking perwisyo ang dulot ng makapal usok na dinadala ng malakas na hangin sa buong bayan ng Kabayan. Grabe yung usok dito, halos isang week na punung-puno ng usok itong sa amin.
pahayag ng residenteng si Patrick Budikey Jr.
Nagdeklara na ng fire out ang BFP, pero patuloy pa rin umanog silang magbabantay sakaling muling sumiklab ang apoy. —LBG, GMA News