Isang naaagnas na bangkay ang natagpuan sa baybayin sa Kalibo, Aklan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Ayon sa pulisya, gabi ng Miyerkoles nang makita ng mga mangingisda sa baybayin ang bangkay.

Agad din naman nila itong ini-report sa mga awtoridad.

Dinala ang bangkay sa punerarya, nilinis at isinailalim sa DNA test para malaman ang pagkakakilanlan. —KBK, GMA News