Pinagbabaril ng salaring riding-in-tandem ang isang barangay kagawad sa Surigao City, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Miyerkoles.
Nasa harap ng tindahan si Kagawad Lanie Teroso nang paputukan ng mga salarin.
Naisugod pa sa ospital ang biktima pero namatay din dahil sa dalawang tama sa ulo.
Iniimbestigahan na ng mga pulis kung sino ang mga salarin at ano ang motibo sa krimen.
Nag-alok ng P200,000 pabuya ang lokal na pamahalaan para sa makapagtuturo sa mga salarin. —KBK, GMA News