Emergency responders tumulong sa mga naaksidente sa karambola ng tatlong sasakyan sa Sariaya, Quezon. PHOTO FROM MDRRMO SARIAYA
Emergency responders tumulong sa mga naaksidente sa karambola ng tatlong sasakyan sa Sariaya, Quezon. PHOTO FROM MDRRMO SARIAYA

Isa ang patay habang tatlo naman ang sugatan matapos na magkarambola ang tatlong sasakyan sa Maharlika Highway, Sto. Cristo, Sariaya, Quezon pasado hatinggabi.

Ayon sa report ng Sariaya Municipal Police Station, patungo sa direksyon ng Maynila (northbound) ang dalawang sasakyan habang patungo naman sa direksyon ng Bicol (southbound) ang isang kotse na sangkot sa karambola.

Sinubukan raw ng kotse na mag overtake sa van subalit nabundol nito ang van. Nawalan ng control sa manibela ang driver ng van at sumalubong sa kabilang linya kung saan ay may paparating na kotse at nabangga rin ito.

Dead on the spot ang driver ng kotse na patungo sa direksyon ng Bicol habang sugatan naman ang tatlong iba pa.

Isinugod ang mga sugatan sa isang pagamutan sa Candelaria, Quezon.

Wasak na wasak ang dalawang kotse ganon rin ang unahan ng van. Naging pahirapan ang pag rescue sa mga sakay ng dalawang kotse dahil naipit ang mga ito. Nagtamo ng minor injuries ang iba sa kanila kabilang ang isang bata.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Sariaya Pulis sa insidente. — BAP, GMA News