Hindi bababa sa 12 ang sugatan sa mga nagbagsakang poste sa Naic, Cavite, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Ayon sa saksi, sumabit sa kable ng kuryente ang isang bus.

Nahila nito ang ibang kable hanggang bumagsak ang mga poste.

Nabagsakan ang dalawang motorsiklo, isang tricycle, isang truck at isa pang bus. —KBK, GMA News