Pormal nang binuksan sa publiko ang kauna-unahang underpass sa rehiyon ng Calabarzon na nagkakahalagang mahigit P200 million —ang Lucena Underpass —sa isinagawang blessing at ribbon-cutting ceremony ngayong Oktubre 23, 2019 sa Barangay Gulang-gulang sa Lucena City.
Pinangunahan ang pagbubukas ng underpass nina Department of Public Works and Highway Secretary Mark Villar, 2nd District Representative David C. Suarez, City Administrator Anacleto Alcala Jr., Region IV-A Director Samson Herba at District Engineer Rogelio Crespo.
Inaasahang malaki ang maitutulong ng underpass sa mga byahero at motorista dahil mawawala na ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar. —LBG, GMA News