Nalunod ang 14-anyos na dalagita habang naliligo sa ilog sa bayan ng Quezon sa Palawan.

Sa ulat ng Balitanghali ng nitong Linggo, kinilala ang biktima na si Jessica Joy Samillano na residente ng Barangay Tabon sa bayan ng Quezon.

Ayon sa imbestigasyon, naligo ang biktima sa ilog kasama ang kanyang dalawang kaibigan nang malunod ito.

Maaari umanong sumabit ang jogging pants ni Samillano sa sanga ng isang puno na nasa ilalim ng tubig.

Hindi pa naman daw marunong lumangoy ang biktima.

Nahirapan ang mga nag-rekober sa katawan ng dalagita dahil malabo ang tubig at malakas pa ang agos ng ilog. —Joviland Rita/LBG, GMA News