Patay ang isang ginang sa pananakal ng kaniyang mister sa Sipalay City, Negros Occidental.
Ayon sa mga pulis, lasing ang biktima nang datnan ng mister sa kanilang bahay.
Nagalit daw ang suspek dahil palaging lasing ang kaniyang misis.
Sumiklab ang pagtatalo ng mag-asawa, at nauwi ito sa pananakal.
Natagpuang na lamang na patay ang biktima kinaumagahan.
Agad sumuko sa mga pulis at umamin sa krimen ang suspek.
Mahaharap ang mister sa kasong parricide. —LBG, GMA News
