Dahil sobra-sobra ang supply, libre nang ipinamimigay ng mga residente sa Salcedo, Ilocos Sur, ang kanilang mga hinog na mangga.
Nakabalot sa plastik ang tumpok-tumpok na mga mangga na isinasabit lang ng mga residente sa kanilang bakod.
Maaari itong kunin ng mga kapitbahay o kahit sinumang mga mapapadaan na gustong kumain ng mangga.
Ipinamimigay na lang daw ng mga residente ang mga mangga kaysa mabulok ang mga ito at hindi mapakinabangan.
Dahil sa sobra ang supply, bagsak presyo na ang hinog na mangga sa mga palengke na mabibili ng P10 lang kada kilo. —Joviland Rita/KBK, GMA News