Nahuli-cam ang tangkang pagnanakaw ng isang lalaking nagpanggap na customer sa isang grocery store sa Sarrat, Ilocos Norte.

Sa ulat ni Darlene Cay sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Martes, makikitang mabilis na naisilid ng lalaki sa kaniyang jacket at bag ang mga ipupuslit sanang gatas at sigarilyo pero nabisto ng mga empleyado ng tindahan ang kaniyang pagnanakaw.

Panoorin ang reaksyon ng suspek nang mahuli sa kaniyang modus. —Dona Magsino/LDF, GMA News