Binaril at napatay sa loob mismo ng municipal hall ang alkalde ng bayan ng Ronda sa Cebu nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali," sinabing pinasok sa loob ng munisipyo at pinagbabaril hanggang mapatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin si Mayor  Mariano Blanco.

Sa hiwalay na ulat ng GMA news "Unang Balita," sinabing natutulog ang alkalde nang barilin.

Naisugod pa sa ospital ang alkalde pero idineklara siyang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng Ronda police ang nangyaring krimen.

Ayon sa ulat, dati nang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Blanco na sangkot umano sa droga. -- FRJ, GMA News