Hindi na naisalba ng anti-venom ang buhay ng isang Grade 5 pupil matapos na matuklaw ng ahas habang nangunguha ng mga pananim sa bukid sa Kananga, Leyte.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Jason Tasan, na nagtungo sa bukid kasama ang kaniyang nanay para manguha ng inaning palay.

Matapos na matuklaw,  nakalakad pa umano ang bata pero hindi nagtagal ay unti-unting nanghina kaya kinarga na ng nanay.

Naisugod pa sa ospital si Tasan at binigyan ng anti-venom ngunit pumanaw din makalipas ang ilang minuto. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News