Isang matinik na buntis ang tumangay ng wallet na may lamang P5,000 sa isang tindahan sa San Jose, Nueva Ecija.
Sa CCTV camera footage sa 24 Oras, makikita na nakapustura pa ang buntis na ale habang nagkunwaring mamimili.
Nang makakuha ng tiyempo, mabilis niyang dinampot ang isang panindang damit at ginawang panakip para itago ang pagkuha niya ng wallet ng isang saleslady ng tindahan.
Parang walang nangyari nang pasimpleng umali ng tindahan ang buntis tangay ang wallet.
Kinikilala na ng mga pulis ang babae. —ulat ni John Consulta/ALG, GMA News