Dahil sa magdamag na malakas na buhos ng ulan, binabaha ang ilang lugar sa bayan ng Daet sa lalawigan ng  Camarines Norte.

Hanggang nitong umaga ng Miyerkoles, patuloy pa rin ang malalakas na ulan.

Photo courtesy: Nardz Hernandez

Sa bayan ng Labo, winasak ng malakas na pagragasa ng tubig-baha ang isang spillway doon. Isang backhoe ang itangay ng agos ng tubig.

 

Photo courtesy: Kabalikat Bicol

Ayon sa mga lokal na opisyal, na-isolate na ang Barangay Matanlang sa naturang bayan.

Wala nang pasok sa lahat ng antas ng mga paaralan sa lalawigan dahil sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan dahil sa masamang panahon. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News