Hinangaan ang katapatan ng isang Grade 7 student sa Salcedo, Ilocos Sur matapos niyang isauli ang napulot na wallet na mayroong lamang pera.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabi ng pulisya na agad umanong dumiretso sa presinto ang estudyanteng si Armando Galinato Jr.,   matapos na makita ang wallet sa palengke habang papauwi siya.

Naibalik din kaagad sa may-ari na isang tricycle driver ang kaniyang wallet na may lamang pera at ID.

Labis ang pasasalamat ng driver sa ipinakitang katapatan ng batang estudyante.

Sa Doleres, Abra, ang tricycle driver naman na si Remy Pinto ang nagtungo sa police station para isauli rin ang napulot ang wallet na naglalaman ng mahigit sampung P10 cash na pag-aari pala ng pulis na si Police Officer 1 Mark Mazon. -- FRJ, GMA News