Tindera, binaril sa ulo habang naka-livestream; suspek na naaresto, kakilala ng biktima
ENERO 19, 2026, 4:41 PM GMT+0800
SINULAT NI GMA INTEGRATED NEWS
Isang 23-anyos na babaeng tindera ang binaril sa ulo habang naka-livestream sa social media sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal. Ang nadakip na suspek, dating kinakasama ng amo ng biktima pero itinanggi niya ang krimen.