Mainit na sinalubong ng mga kawani at opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga umuwing overseas Filipino workers (OFWs) pagdating nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ulat ni Maki Pulido sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing hinara ng mga pamaskong awitin ang mga dumating na OFWs paglabas nila sa eroplano.

Binigyan din sila ng gift packs, at may mga OFW din ang nakasama sa pa-raffle na may cash prizes.

Ang OFW na si Rosario del Rosario, 16 na taon na ang nakalilipas nang huling magpasko sa Pilipinas.

Taun-taon umanong ginagawa ng OWWA ang pamaskong salubong bilang pasasalamat sa mga OFW, at maipadama kaagad sa kanila ang Christmas spirit pagdating nila sa bansa.

"Ang tagal-tagal nang hindi nakaramdam ng Paskong Filipino kaya gusto natin pagdating nila dito mayroon na sila agad initial na experience na maalala nila kung paano mag-celebrate ng Pasko sa Pilipinas," ayon kay Arnell Ignacio, Deputy Administrator, OWWA.

Ginagawa ang salubong sa mga flight na marami ang pasaherong OFWs. -- FRJ, GMA Integrated News