Isang Pinoy sa Japan ang tumanggap ng pagkilala dahil sa pagsagip niya sa isang babae na nagtangkang tumalon mula sa tulay.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita," sinabing pauwi na mula sa trabaho ang tubong-Leyte na si Emil Rebejo Vega, nang makita niya ang babae na tatalon mula sa tulay.
Ayon kay Vega, kaagad siyang bumaba ng motorsiklo at pinuntahan niya ang babae. Hinawakan niya ang kamay nito para hindi makatalon.
Kasabay nito ang paghingi niya ng tulong at pagtawag sa pulis.
Kinilala ng Asaka City police force ang ginawang pagmamalasakit ni Vega sa kapuwa.
Napag-alaman na 16 na taon nang naninirahan si Japan si Vega.--FRJ, GMA News