Nilawakan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang sakop ng compulsory insurance coverage ng overseas Filipino workers (OFWs) para isama ang re-hires at agency-hired workers.
Sa latenight news ng "Saksi" nitong Martes, sinabing nakasaad sa Department Order 228, na ang mga manning o recruitment agency ang dapat sumagot sa insurance ng OFWs na ipadadala kung ang employer o ang re-hired at direct hire workers ang magbabayad ng insurance premium.
Maaaring bayaran ng OFW ang insurance premium at ipapa-reimbursed na lang ito kinalaunan.
Sakop ng effectivity ng insurance policy ang employment period ng OFW.
Ipinatupad ang naturang kautusan sa harap ng nararanasang public health emergency dahil sa COVID-19 pandemic. -- FRJ, GMA News