Iniulat ng Department of Foreign Affairs nitong Martes ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy sa abroad na nagpositibo sa COVID-19.
"Today, the DFA reports a spike in the total number of confirmed COVID-19 cases and recoveries, with 34 new cases and 27 new recoveries in the Americas, Asia and the Pacific, and Europe," saad ng DFA sa kanilang tweet.
Maituturing namang magandang balita na sa kabila ng pagtaas ng mga tinamaan ng virus ay walang naitalang nasawi sa panibagong ulat ng DFA.
12 January 2021
— DFA Philippines (@DFAPHL) January 12, 2021
Today, the DFA reports a spike in the total number of confirmed COVID-19 cases and recoveries, with 34 new cases and 27 new recoveries in the Americas, Asia and the Pacific, and Europe. Meanwhile, no new COVID-19 fatality was reported. (1/3)@teddyboylocsin pic.twitter.com/BAM6Gbi7mF
Ang Middle East and Africa pa rin ang rehiyon sa mundo na may pinakamaraming kaso ng Pinoy sa abroad na kompirmadong tinamaan ng COVID-19, maging sa bilang ng mga gumaling, patuloy na ginagamit at mga nasawi.
Sa ngayon, umaabot na sa 13,056 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na nagpositibo sa COVID-19. Sa naturang bilang, 8,488 na ang gumaling, at 935 ang pumanaw.— FRJ, GMA News