Isang Pinoy na saglit lang na lumabas ng kuwarto sa tinutuluyan niyang hotel sa Kaohsiung City, Taiwan ang pinagmulta ng $3,500 dahil nilabag niya ang quarantine protocols, ayon sa CNN report.
Ayon sa ulat, nakita sa CCTV camera ang walong segundong paglabas ng Pinoy sa kuwarto na nagsisilbing quarantine facility.
Kaagad na ipinagbigay-alam ng hotel staff sa Department of Health ng lungsod ang ginawa ng Pinoy.
Batay sa patakaran sa Taiwan, hindi maaaring lumabas ng kuwarto ang mga naka-quarantine dahil na rin sa COVID-19 pandemic.
Kabilang ang Taiwan sa mga teritoryo na kontrolado ang sitwasyon sa usapin ng pagdami ng COVID-19 dahi sa maagap at apektibong pagpigil sa hawahan ng virus.
Mabagal din ang pagtaas ng imported virus cases sa Taiwan at mahigpit na sinusuri ang mga pumapasok sa pamamagitan ng COVID-19 test.--Reuters/FRJ,GMA News