Inihayag ng isang opisyal ng Department of Foreign Affairs na wala nang Filipino sa Hong Kong na infected ng coronavirus disease (COVID-19).
"Pa-good vibes naman: HK PCG reports that the Filipino community in Hong Kong ???????? is now officially Covid-free," saad sa Twitter post ni DFA undersecretary Dodo Dulay.
"Remaining Covid-positive Filipinos have recovered and been released from the hospital," patuloy niya.
Patuloy namang pinapaalalahan ng Philippine consulate general ang mga Pinoy sa Hong Kong na mag-ingat at laking magsuot ng face mask, maghugas ng kamay at iwasan ang matataong lugar para makaiwas sa virus.
Hanggang noong Abril 4, iniulat na may 16 na Pinoy sa Hong Kong ang tinamaan ng COVID-19.
Samantalang sa ulat ng DFA nitong Hunyo 1, sinabing 5,218 Pinoy sa abroad ang nagpositibo sa virus, kung saan 2,167 ang gumaling na, at 342 ang nasawi. -- FRJ, GMA News