Mahigit 300 Pilipino na turista, estudyante at migranteng manggagawa na na-stranded sa Japan at Kuwait dahil sa COVID-19 pandemic ang nakauwi na sa Pilipinas.
Ayon sa Philippine Embassy sa Tokyo, halos dalawang buwan na stranded sa Japan ang mga Pinoy bago sila nakauwi dahil sa pagkakakansela o limitado ang mga biyahe ng eroplano, at may mga nagkaproblema sa airfare rebooking.
Ayon kay Deputy Chief of Mission Robespierre Bolivar, binigyan ng tulong pinansiyal ang mga Pinoy na naipit sa Japan, lalo na ang mga turista at estudyanteng limitado lang ang dalang pera.
"Upon arrival in Manila, the repatriates will undergo mandatory testing and facility quarantine in accordance with existing Philippine government guidelines," ayon kay Bolivar.
(2/2) The DFA and partner agencies will continue to work closely to bring home our overseas Filipinos affected by the COVID-19 pandemic.@teddyboylocsin#DFAinAction#AssistanceToNationals #WeHealAsOne
— DFA Philippines (@DFAPHL) June 1, 2020
Samantala, nabigyan din ng bagong pag-asa ang 175 Pilipino na na-stranded sa Kuwait matapos na makauwi sa Pilipinas at salubungin ng mga tauhan ng Department of Foriegn Affairs sa paliparan.
"The amnesty extended by the Kuwaiti Government gives our nationals a chance to be reunited with their families during this COVID-19 pandemic," ayon sa pahayag ng DFA.
(1/2) A new hope awaits 175 Filipinos from Kuwait as the DFA warmly welcomes them home this afternoon. pic.twitter.com/qCn5e06eB4
— DFA Philippines (@DFAPHL) June 1, 2020
Nitong Pebrero, umaabot na umano sa 31,528 ang mga Pinoy sa abroad na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang natulungang makauwi sa bansa.
Sa naturang bilang, sinabi ng DFA na 65.5% o 20,635 ay sea-based at 34.5% o 10,893 naman ang land-based OFWs.
Inaasahang 40,000 Pinoy sa abroad pa ang darating sa bansa dahil sa krisis na nararanasan ngayon ng mundo bunga ng COVID-19 pandemic.— FRJ, GMA News