Nadagdagan pa ng 34 ang mga Pinoy sa abroad ang dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) para sa kabuuang bilang na 5,218, ayon sa Department of Foreign Affairs nitong Lunes.

Umangat naman sa 2,167 ang bilang ng mga Pinoy sa abroad na gumaling na sa sakit, makaraang madagdagan ng 16. Ang mga patuloy na ginagamot, nasa 2,709.

Samantala, tatlo pa ang nasawi sa naturang virus para sa kabuuang bilang na 342, ayon pa sa DFA.

Nasa Middle East/Africa ang pinakamaraming Pinoy sa abroad na nahawahan ng COVID-19 na umabot sa 3,252. Sa naturang bilang, 1,317 ang gumaling, 100 ang nasawi at 1,835 ang ginagamot pa.

 

 

Sumunod naman ang Europe na may 821 infections, 259 recoveries, 90 deaths at 472 undergoing treatment.

Sa Americas, 656 Pinoy ang tinamaan ng virus, kung saan 240 recoveries, 150 nawasi at 266 pa ang ginagamot.

Pinakakaunti pa rin sa Asia Pacific, na may 489 na COVID-19 cases, 351 recoveries, dalawang nasawi at 136 ang ginagamot.—FRJ, GMA News