Sa isang dairy farm o gatasan ng baka nagtatrabaho ang mag-asawang Pinoy sa New Zealand. Pagkalipas lang ng ilang taon, nakuha na rin nila ang kanilang mga anak sa Pilipinas para doon na rin mamuhay.

Pero kahit maayos na ang pamumuhay nila sa New Zealand,  sinabi ni Mark Aguila  sa programang "Investigative Documentaries" na sa Pilipinas pa rin niya nais magretiro pagdating ng panahon.

Panoorin ang kuwento ng pamumuhay ng pamilya sa Aguila sa bansang mas marami pa ang populasyon ng baka kaysa sa tao.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News