PH Embassy, nagbabala sa mga Pinoy teacher laban sa scam kaugnay ng US exchange visitor visa
ENERO 9, 2026, 7:06 PM GMT+0800
SINULAT NI GMA INTEGRATED NEWS
Nagbabala ang Embahada ng Pilipinas sa Washington, DC sa mga gurong Pilipino na nais magtrabaho sa Amerika, na maging mapagmatyag at maingat sa pagsusuri sa uri ng US visa na kanilang inaaplayan para hindi maloko ng mga illegal recruiter.