Naki-jamming at nakipagrakrakan ang mahigit 75,000 fans sa inabangang reunion concert ng Eraserheads na "Huling El Bimbo." Balikan ang highlights ng pagtatanghal ng legendary OPM rock band.

Sa report ni Amiel Ordoñez sa Stand For Truth, sinabing tumagal ng apat na oras ang three-part show ng reunion ng Eraserheads.

Sa tulong ng makabagong teknolohiya, itinampok din ang hologram ng yumaong rapper na si Francis Magalona, na kinanta ang kaniyang verse sa opening number na "Superproxy" kasama ang dalawa niyang anak na sina Elmo at Arkin.

Kasama rin sa mga nag-perform sina Audrey Dionisio ng General Luna, Mikey Amistoso ng Ciudad at Jazz Nicolas ng Itchyworms.

Isa sa mga paboritong bahagi ng Eraserheads ang pagtugtog nila ng Lightyears. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News