Ipinasilip nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang mga eksena sa likod ng kanilang viral Tiktok video. Ginawa nila ang video nang muli silang magkita makaraang magkahiwalay ng halos tatlong buwan dahil sa community quarantine.

"Finally nakapasyal din ako dito kina madam!" sabi ni Jak sa kaniyang vlog.

Ipinakita nina Barbie at Jak ang kanilang bonding mula sa pag-rehearse ng dance steps, pagtagagtak ng pawis, hanggang sa paulit-ulit na "take."

"Puwede kaya i-edit mas lambutan pa yung katawan natin?" sabi ni Barbie nang i-edit na nila ang video.

Samantala, pumayag naman si Jak na magpa-make-up kay Barbie na pambabae para sa isa pang Tiktok video.

"Ang hirap! Tingnan mo mahal 'yung pamakeup mo sa akin lapad na lapad, putik-putik, parang hindi magandang idea 'yung ginawa natin na 'yun ah?" sabi ni Jak pagkatapos ng kanilang sayaw.

"Huwag mo akong anuhin, bet na bet mo!" sagot naman ni Barbie... At least na-maximize naman natin ang iyong gorgeous look," sabi pa niya kay Jak.

"Para sa'yo lahat gagawin ko," birong hirit ni Jak. Panoorin ang kanilang nakatutuwang video.--FRJ, GMA News