Para kay Super Tekla, naging epektibo na nagsimula muna siya sa pagiging comedian para masubukan rin niya ang pagiging aktor.

Sa "Stand For Truth" ng GMA Public Affairs, ibinahagi ni Tekla na ipalalabas na ang pelikula niyang "Kiko En Lala" sa Oktubre kung saan makakasama niya sina AiAi delas Alas, Derrick Monasterio, Kim Domingo, Jo Berry, Divine Tetay, at Kiray Celis.

"Nangangatog po 'yung tuhod ko kasi hindi ko na-imagine na darating ako sa ganu'ng point. Andami ko pang kakaining bigas, andami ko pang kailangang ipulido sa aking craft," saad ni Tekla.

Inihayag niyang pabor sa kaniya na naging komedyante muna siya bago niya subukan ang serious acting.

"Du'n ko na-discover sa sarili ko na mas effective, more than effective 'yung comedian turned into serious actor."

Samantala, ibinahagi rin nina Boobay at Tekla ang kanilang sikreto sa tagumpay ng kanilang The Boobay and Tekla Show. Panoorin.

—Jamil Santos/LBG, GMA News