Agosto 12, 1887 nang maitatag sa bisa ng Royal Order ng dating mananakop na Kastila ang tinatawag ngayon na National Library of the Philippines na makikita sa Maynila. Alam ba ninyo ang unang pangalan nito?

Bago nakilala bilang National Library, dati itong tinatawag na Museo-Biblioteca de Filipinas o Museum-Library of the Philippines, at opisyal na binuksan noong October 1891.

Tinawag din itong Philippine Library and Museum noong 1916, bago nagkaroon ng Public Law No. 3477 noong 1928 para ihiwalay ang Museum sa National Library.

Pero sa Executive Order No. 94, series 1947, ginawa namang Bureau of Public Libraries ang pangalan nito, at ibinalik sa The National Library sa Republic Act No. 3873 noong 1964.

Ang pangalan nito ngayon na National Library of the Philippines ay batay sa bisa ng Republic Act No. 10087 na isinabatas noong May 2010. -- FRJ, GMA News